unang ulan ng agosto...
parang natuyong dahon ang dibdib ko nang sabihin mong gisingin kita ng alas-tres. hawak mo ako sa iyong palad. napakadali kong wasakin. araw -araw, hinihintay kong madiligan. umaasang babahaginan ako ng palad mong lupa ng kahit konting tubig. mabuhay kaya akong muli?
***
mas nakikita ko ang kulubot na kamay ni ina sa twing tayo'y magniniig. mas malakas ang kalampag ng plato at kalansingan ng mga kutsara kaysa sa mga "sige" mo at "ahh".mas makapit ang singaw ng pawis niyang may kalakip na luha kaysa sa pawis mong umaapaw sa tuwa. mas ramdam ko ang gaspang ng kanyang buhok, na dating tuwid at kay lambot. kada linggo, mas lalong natutulad sa kinuyumos na balat ng candy ang kanyang mukhang nilalamon lalo ng katandaan. para bang sa bawat butil ng pawis at laway na nalalabas ko sa ating paghahalikan, triple ang nasisipsip mula sa kanya.(kasama pa yata ang laman.) napupuyat ako sa kiskisan ng laman.napupuyat naman siya sa pag-aalala sa akin.
***
nakikita ko kung paanong gumigising siya ng umaga para ipagluto ako.madalas hotdog o longganisa. may kasama pang itlog at kamatis. kahit na nangingitim na ang paligid ng mata sa pagod at puyat, at nangangatal ang mga tuhod sa paghapong pagtayo , namimili pa iyon ng paborito ko. noong isang araw lang may sapin-sapin na nakahain. may pasalubong naman akong abokado. minsan naiisip ko kung sapat na ba ang tsinelas na uwi ko o tinapay na pasalubong para di na siya muling mapagod. gusto kong higupin lahat ng guhit niya sa noo at ugat sa mga kamay, parang noodles at pakawalan ang mga gagambang ugat sa kanyang binti. gusto kong hagudin ng mga kamay ko ang bawat ngalay at kutkutin ang mga burol ng balakubak sa kanyang ulo.
gusto kong makagaan. gusto kong kapag nakita niya ako,gagaan na parang paminta ang kanyang katawan at babalik sa pagkabulak ang kanyang mukha.
kahit isang oras lang.
1 Comments:
gen! hehe..lalang..feeling ko dapat ko sabihin or else hahabalusin moko..ahaha joke! :) wala lang.. um..yung guy na nabanggit ko sayo dati..si jireh.. umm..kami na..hehe..lalang.. ayun lang..haha.. mwah.. sana magkausap na tayo ulet! :p mwah! kkwentuhan kita! haha! ingat ka lagi!
Enregistrer un commentaire
<< Home