tsokolateng malapot

gusto ko ng tsokolate. gusto ko ang kanyang lapot. gusto ko ang pinaghalong tamis at pait. nais kong maligo sa ilog ng tsokolate. magsulat gamit ang tintang tsokolate. pitasin ang mga bulaklak na tsokolate. nakababaliw ang tsokolate. nakakapagpagaan ng pakiramdam. nakapagpapasaya. gusto kong mapalibutan ng tsokolate. magsuot ng tsokolate. kumain ng tsokolate. maging tsokolate. paano kaya kung pati libag ko'y tsokolate na rin?

08 mai, 2005

Huy..pabida ako niyan...=)

Writing prompt
LAYB
5/5/05

Kahapon,naramdaman ko ang pagpaso ng hangin sa balat ko. aba marunong na palang mamaso ang hangin ngayon. masyadong mainit sa dorm, hindi ako makahinga. pakiramdam ko limang libong gulong ng trak ang pinagpatung-patong sa tiyan ko. Lumabas ako.gusto ko ng makalanghap ng sariwang hangin. dalawang linggo ng barado ang ilong ko. nalimutan ko ng huminga ng walang sipon. pero pag labas ko, sinalubong ako ng pinaghalong usok ng sigarilyo at tambutso. mas lalo akong nasakal.naisip ko, mas maigi pang magkulubong na lang at matulog.

"parang upos ng sigarilo ang mga mata ko nang sabihin mong ika'y mamamaalam."

akala mo siguro'y hindi pa ako tapos umiyak. akala mo yata uubusin ko ang mga oras para magsayang ng luha? mali ka. dahil sa muling pagharap ko sa'yo, walang ano mangbakas ng kalungkutan kang makikita. tuyo ang mga mata ko. sing tuyo ng sigarilyong nakaranas ng huling paghithit. hinding-hindi mo mapapansing isinusuka ko ang pag-uwing mag-isa sa gabi.o masasalat ang lukot mong mga larawan at mga sulat na maya't-maya kong tinititigan.hindi mo na mababasa ang mga sulat kong pinugpog ng mga halik na sa bawat paglapat ng mga labi umaasang mararamdaman mo sakaling iyo na tong mabasa.
upos ng sigarilyo ang mga mata ko kapag sasabihin mong ika'y mamaalam. pipilitin kong walang maramdaman. walang luha ang papatak. kung meron man, sisigawan ko ang bawat patak na mangahas na bumagsak hanggang matakot sila't maging muta.
Hala mahal, mamaalam na hanggang kaya pang ngumiti ng mga mata ko.