tsokolateng malapot

gusto ko ng tsokolate. gusto ko ang kanyang lapot. gusto ko ang pinaghalong tamis at pait. nais kong maligo sa ilog ng tsokolate. magsulat gamit ang tintang tsokolate. pitasin ang mga bulaklak na tsokolate. nakababaliw ang tsokolate. nakakapagpagaan ng pakiramdam. nakapagpapasaya. gusto kong mapalibutan ng tsokolate. magsuot ng tsokolate. kumain ng tsokolate. maging tsokolate. paano kaya kung pati libag ko'y tsokolate na rin?

01 avril, 2005

bagong eskwela

Magaling na guro si itay, marami akong natutunang mga salita.

Lunes: Puta, Tarantado, punyeta
(Palawak nang palawak ang bokabularyo ko.)

Martes: Lintek, ugaling-aso, walang-hiya
(Kailan pa kaya ako naging aso?)

Miyerkoles: Tanga,inutil,bobo
(Wala na bang bago?)

Huwebes: Ingrata, Leche, balasubas
(namamanhid na ako)

Biyernes: Layas, Hayop, Hudas
(isang linggo pa't magigi na rin akong guro)