HuWeBeS sAnTo
gera na naman sa bahay. paano kase, pinipilit ni mamang magsimba ngayon. ayaw namang pumayag ni dadi.mabibinat lang daw siya, maghahanap lang daw ng sakit ng katawan.
nakakatawa na lang minsan kung paano nagiging bata ang mga magulang ko. gusto ko nga silang i-video minsan. gusto kong makita nila ang mga sarili nila. ang cute, parang kiyat-kityat.
minsan iniisip ko kung magiging ganoon din ba ako pagtanda ko. magaaway din ba kami ng asawa ko sa maliit na bagay gaya ng kung sino ang unang maliligo sa banyo, o kaya kung aling sawsawan ang mas masarap sa hasa-hasa: toyomansi ba o patis? pwede ring dumatng kami sa oras na sobrang ulyanin na namin pareho na nagkakapalit na kami ng pustiso.
naiisip mo bang mangyayari sa atin iyon?
naisip mo na bang tumanda kasama ko?
gusto kong alagaan ka pagsumasakit ang ulo mo. gusto kong ako ang maglalagay ng bimpo sa noo mo pag may lagnat na. gusto kong mga kamay ko ang magmamasahe sa balikat mo pag umuuwi kang pagod. gusto kong ako ang kasalo mo sa pagkain ng sardinas.
ayan bati na ulit sila mami. kumakain na sila ng ponkan ng sabay. suko na naman si itay.wawa!
magiging ganoon din kaya ang asawa ko? ano kayang itatawag ko sa kanya? hmm... hubby?
ala sige pinky, mangarap!
1 Comments:
binangungot ako na magakakanak na daw ako. sa sobrang takot ko, abortion agad unang pumasok sa isip ko. ilang beses na rin akong binangungot ng ganun. sa totoo lang, malaki ang takot kong ikasal, magka asawa, magka anak.hindi lang basta takot, matinding takot. yung parang pinagtrabaho mo sa searca ang taong may malalang case ng xenophobia. ganun. kaya saludo ko sa yo a pagiging matapang, sa pagtanaw sa hinaharap bilang isang taong may sariling pamilay. astig ka. wow ang drama. yun, happy easter.
Enregistrer un commentaire
<< Home