tsokolateng malapot

gusto ko ng tsokolate. gusto ko ang kanyang lapot. gusto ko ang pinaghalong tamis at pait. nais kong maligo sa ilog ng tsokolate. magsulat gamit ang tintang tsokolate. pitasin ang mga bulaklak na tsokolate. nakababaliw ang tsokolate. nakakapagpagaan ng pakiramdam. nakapagpapasaya. gusto kong mapalibutan ng tsokolate. magsuot ng tsokolate. kumain ng tsokolate. maging tsokolate. paano kaya kung pati libag ko'y tsokolate na rin?

27 mai, 2005

Kay wowie

nakakainis! ang tagal ko nang hindi nagchechek ng friendster ko kaya ngayon ko lang nakita ang mga messages mo! oo na masyadong maraming exclamtion point heheh pero ok lang yan! miss na kita! ang dami ng nangyari! feeling ko magkaibang tao na tayo, pero meron tayong unexplained bond! haha tama ba yun?
basta magkwekwentuhan tayo ok. last time na nag-email ako sayo, si rk ang sumagot, and i felt na it's not safe to tell you things kase binabasa niya. pero ngayon, wala na akong pakialam!hehehe miss na kita. bumalik ka na dito! tapos na 2 years mo jn baka maging kangaroo ka na!=) love you wow! tumigil na ako sa pagpapapayat, wala na talaga! SUKO NA KO!!! =) susulat ako sa'yo diba ang galing sa blog ko talaga nilagay para masaya! sige na! sa susunod ulit, ias-isa nang namamatay ang mga ilaw dito sa compu shop. love you!

bibisitahin ko rin blog mo! sabihin mo kung saan ok?=)