tsokolateng malapot

gusto ko ng tsokolate. gusto ko ang kanyang lapot. gusto ko ang pinaghalong tamis at pait. nais kong maligo sa ilog ng tsokolate. magsulat gamit ang tintang tsokolate. pitasin ang mga bulaklak na tsokolate. nakababaliw ang tsokolate. nakakapagpagaan ng pakiramdam. nakapagpapasaya. gusto kong mapalibutan ng tsokolate. magsuot ng tsokolate. kumain ng tsokolate. maging tsokolate. paano kaya kung pati libag ko'y tsokolate na rin?

28 août, 2005

sa mga tumakbong hindi dapat

huminto.
mag-isip.
tumanga-tanga...
gaya ng matagal niyo ng
nakasanayan.

"maglingkod".
magsalita
ng mga bagay na isang linggo
lang naman narinig
at magpanggap na
pilosopong,taon ang inilaan
sa pag-aaral ng mga konsepto
ng karapatan.

makiisa
sa harapan ng madla
ngunit
pagtalikod, ugaliing manlamang
gaya ng iyo ng nakasanayan.

huminto.
lumingon.
makinig.

sa sarili niyong paghinga
na unti-unting nilalamon ng
pansariling interes.

paano niyo maipagtatanggol
kaming mga pinangakuan niyo
kung sa sampung binitawan niyong salita,
labing-isa ang di tumatama?

puro kayo yabang!

4 Comments:

At 12:18 AM, Anonymous Anonyme said...

Powerful Blog ! Guess you got your point across. I'm trying a site Texas Holdem Poker I try to put in words like "hold em" which pertain to the site, but I'm scared I might confuse the issue. When you get time please check it. ---Jack---

 
At 12:54 AM, Anonymous Anonyme said...

Nice blog! I'm definitely going to bookmark you!
I have a sugar glider picture site. It pretty much covers sugar glider picture related stuff.

 
At 1:01 AM, Blogger pinky said...

Ce commentaire a été supprimé par un administrateur du blog.

 
At 1:02 AM, Blogger pinky said...

thanx=)

 

Enregistrer un commentaire

<< Home