tsokolateng malapot

gusto ko ng tsokolate. gusto ko ang kanyang lapot. gusto ko ang pinaghalong tamis at pait. nais kong maligo sa ilog ng tsokolate. magsulat gamit ang tintang tsokolate. pitasin ang mga bulaklak na tsokolate. nakababaliw ang tsokolate. nakakapagpagaan ng pakiramdam. nakapagpapasaya. gusto kong mapalibutan ng tsokolate. magsuot ng tsokolate. kumain ng tsokolate. maging tsokolate. paano kaya kung pati libag ko'y tsokolate na rin?

27 septembre, 2005

sa huwebes

ooperahan ang ate ko.

tatanggalin na ang balang kasa-kasama niya ng siyam na taon. nakakapanghina na mawawala ako sa tabi niya. ako na kasama sa bawat karayom na itutusok sa kanyang darili, sa likod ng palad, maging sa unahan ng siko.ngayon pa ako mawawala.
sa huwebes sasalinan na naman siya ng dugo. panibagong tao na naman ang makikisalo sa kanyang mga ugat. panibagong pitsel ng dugo.
sampung taon siya ng unang perahan. sa labinda;awang balang tinanggal sa kanya, milagrong nabuhay ang ate ko. sa huwebes tatanggalin na ang pinakamatatag sa kanila: ang pinakamalalim,at pinakadelikado.
ngayon ako nagsisisi na dito ako nag-aral.natatakot ako na pag-uwi ko, makikita kong nag-iiyakan sa bahay. gusto ko ng umuwi at yakapin siya ng mahigpit. ngayong mga oras na ito,naaawa ako sa mga walang diyos. paano nila nakakayanan ang ganitong mga oras na walang matiutiungala? walang masisisi? walang hihingan ng tulong?
Ngayon, sa kalagitnaan ng mga lalakeng amoy sigarilyo dito sa computer shop, pasimple akong nagdadasal. sana may sumabay sa akin.

Panginoon, iligtas niyo po ang ate ko.

2 Comments:

At 10:24 AM, Anonymous Anonyme said...

gen!!! si ate g-ann ba yan?? wah baket anong nangyari??? hala.. ill pray for her din..hala
wala lang nagulat ako.. be strong.. things will turn out right.. mwah.. luvu!

mars

 
At 6:10 PM, Blogger ie said...

dito sa compu shop ng mga iskolar ng bayan, at kahit sa aking paglabas, sasamahan kita sa pagdarasal.

 

Enregistrer un commentaire

<< Home