tsokolateng malapot

gusto ko ng tsokolate. gusto ko ang kanyang lapot. gusto ko ang pinaghalong tamis at pait. nais kong maligo sa ilog ng tsokolate. magsulat gamit ang tintang tsokolate. pitasin ang mga bulaklak na tsokolate. nakababaliw ang tsokolate. nakakapagpagaan ng pakiramdam. nakapagpapasaya. gusto kong mapalibutan ng tsokolate. magsuot ng tsokolate. kumain ng tsokolate. maging tsokolate. paano kaya kung pati libag ko'y tsokolate na rin?

11 septembre, 2005

walaakongmaisipnatitleperooklang

May mga bagay na hindi mo akalaing pwede mo pa rin palang balikan. gaya ng pag pasok sa armory ng CAT, o pag-uunahan sa CR tuwing lunch,pag gigitara sa harapan ng pinto kahit may klase, o ang pakikipagkwentuhan at asaran sa mga taong kasama mo na mula ala-sais ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.
Masarap pa rin pa palang balikan ang highschool. Akala ko nalimutan ko na dahil sa nakakalunod na mga papel, exams, night life(?), at kung anu-ano pang aktibidades ngayong college.
Kinuha namin ang Form 138 ni Inday kanina. Iba na ang itsura ng building namin sa pagpasok pa lang. mas malaki pero mas sumikip at dumilim. sinarhan na ang chapel na paborito kong puntahan bago umuwi (dahil masarap tumambay dun) at wala na rin ang helera ng mga dahong hindi ko pa rin alam ang tawag hanggang ngayon.
Nakita ko ang "twin" ko,(tumaba na!), mga dating kaklase at kaibigan, maging dating mga gurong kinaasaran at minahal. nakita ko si Ranas. para akong masusuka sa kaba.bahala na kayo kung anong gusto niyong interpretasyon doon. basta ang alam ko, dapat maganda ako nung mga oras na iyon. hindi dahil sa gusto kong matalbugan ang bagong girl friend niya, kundi dahil gusto kong makita niya na maayos ako kahit naghiwalay na kami. Habang nagmimisa sa gym, inabutan ako ni Mommy ng lipstick. Para daw hindi ako masyadong maputla. Kailan pa ko namutla!? Sabi ko hindi ko na kailangan yun.Si ate naman, panay ang tukso sa akin kung nasasaktan daw ba ako dahil kasama ni Ranas ang girlfriend niya. Sabi ko, hindi. Hindi naman talaga ako nasasaktan doon. mabuti na rin namang may sumasagot sa mga pangangailangan niya. aminado akong hindi ko iyon maiibibigay. hindi ko kayang ibigay lahat ng hinihingi niya sa akin.Pero gusto ko lang na maayos na kami. Hindi sa umaasa akong maging kami ulit,ayaw ko ng bumalik doon, kundi gusto kong hindi na siya magsasabi ng kung anu-anong kasinungalingan at pambabastos tungkol sa akin. Masyado na kasing matagal para magsalita pa siya ng kung anu-ano.
Ilang beses ko silang nakasalubong ng girlfriend niya. kinukurot pa nga siya nito, halatang nagseselos. nakakatuwa. bukas babalik na akong ufielvi, babalik na naman sa trabaho, at minamahal na tula.mababaon na namn sa limot ang Mater Ecclesiae,kasama ng mga tao, hayop, classroom, banyo at alaala nito.

sa dyip na ako magmumuni-muni!

1 Comments:

At 11:03 AM, Anonymous Anonyme said...

asan yung tagboard???ahehe..buti ka pa nakabalik na sa mater..sus ako hindi pa talaga..hehe..nkakamiss nga.. :-)

 

Enregistrer un commentaire

<< Home