tsokolateng malapot

gusto ko ng tsokolate. gusto ko ang kanyang lapot. gusto ko ang pinaghalong tamis at pait. nais kong maligo sa ilog ng tsokolate. magsulat gamit ang tintang tsokolate. pitasin ang mga bulaklak na tsokolate. nakababaliw ang tsokolate. nakakapagpagaan ng pakiramdam. nakapagpapasaya. gusto kong mapalibutan ng tsokolate. magsuot ng tsokolate. kumain ng tsokolate. maging tsokolate. paano kaya kung pati libag ko'y tsokolate na rin?

28 juillet, 2005

touched by an angel

Hello narci ?











05 juillet, 2005

sa jodsh.com

dahil sa payong, nandito ako't gulo-gulo ang buhok.lupaypay rin ang balikat kahit na naka paboritong dress na maong. walang nagawa ang pagpapaganda ko ngayong araw at ang komento ni ma'am Arejola na pwede na akong maging guro. hindi ko maintindihan ang biglang panghihina ng loob ko. praktisado na ako kanina. kumakanta na nga ako at maayos na ang pakiramdam. medyo singkit pa rin ang mga mata pero nakakamulat na. handa na kitang kausapin kahit paalisin mo ako.
dahil sa payong balik na naman ako sa dati. ayoko na namang umuwi. alam ko na ang mga sasabihin ko kanina at memoryado ko na kung ilang minuto ang ingingiti pero nang marinig kong kumakanta ka na parang walang nangyari, nanghina na naman ako.
naiinis ako dahil alam kong wala akong ginagawang mali pero sinasabi mong pinaliit kita. magkaiba tayo ng mga pinaniniwalaan at kahit kailan, hindi kita pinilit na makiayon sa mga opinyon ko.ayokong mag-sorry. ayoko dahil alam kong wala akong ginawang mali. gusto kong malaman mo na nag-isip ako ng mabuti ngayong linggo at ayokong mawala ka sa kin.hindi ko na alam kung paano ko ipaparating sa iyo. ayaw kitang mawala at ayoko rin ng tinataboy mo ako papalayo. kausapin mo ko, pakiusap. hindi ko na kayang magtago sa tula at nihonggo. pwede bang kumain na tayo ulit ng sabay, manood ng "fantastic four" at tumawa buong araw? minsan nga nalilimutan kong hindi nga pala tayo nag-uusap at gustung-gusto kong ikwento sa yo ang mga nangyayari sa bahay. nakakatawa kase. pati yung mga napapanood ko sa tv gusto ko ring i-kwento. at madalas napapanaginipan ko ang mga kapatid mo.kagabi nga, magkakasama daw kami sa play na "Romeo and juliet"! tapos paggising ko lalo lang kitang hinahanap-hanap.

haay, bente na naman ito! bad trip na payong!