Janu-aray 2006
isang kalokohan ang paglalagay ng mga saloobin sa blog. Hindi ko alam kung bakit ko pa ito ginagawa.Naiinis lang ako kapag may nababasa ako tungkol sa mga buhay-buhay na hindi ko naman kakilala o kapag inaabangan kong may isulat tungkol sa akin pero wala naman pala. bagong taon na, ganito pa rin ang ugali ko! Ganyan mo pa rin ako tratuhin. Minsan iniisip kong mamaalam na. nasasawa na rin kase ako. Marami akong gustong sabihin pero parang sila na rin ang kusang tumatakbo sa dila ko kapag kaharap na kita. Ayaw ko na sayo. Iyon na lang muna. Hindi mo rin naman ito babasahin. Masyado kang maraming gingawa. Sana maisip mo rin na hindi lahat ng tao ay napapaikot ng mga salita mo. Hindi ko naramramdamn ang pagiging "iba" ko. Maligayang bagong taon. Hindi pa ako naghahapunan. Nakakainis na mga bisita! sayang ang init ng niluto kong adobo. nilagyan ko pa naman ng pinalutong na patatas sa ibabaw para magmukhang "class". Ngayon makunat na yun panigurado.
Sabi sa pelikulang " Crazy in Alabama", may dalawang paraan daw ng pagpatay. Una, mabilis, gamit lahat ng patalim o baril, basta kahit anong pampatay! panagalawa yung dahan-dahan.S aoras na nababaliwala ang mga simpleng regalong ibinibigay, may isang parte sa iyo ang namamatay. sige na O.A. na naman.
Mas gusto kong malayo ka. Mas masarap mag-isip.mas masarap kasama ang imahe mo. ganoon din naman, wala ding pinagkaiba ang lagay natin ngayon. Malayo ka rin naman.