tsokolateng malapot

gusto ko ng tsokolate. gusto ko ang kanyang lapot. gusto ko ang pinaghalong tamis at pait. nais kong maligo sa ilog ng tsokolate. magsulat gamit ang tintang tsokolate. pitasin ang mga bulaklak na tsokolate. nakababaliw ang tsokolate. nakakapagpagaan ng pakiramdam. nakapagpapasaya. gusto kong mapalibutan ng tsokolate. magsuot ng tsokolate. kumain ng tsokolate. maging tsokolate. paano kaya kung pati libag ko'y tsokolate na rin?

29 novembre, 2006

manong frankie

kung may mahal na mahal kang tao at isang beses lang siyang hihiling sa iyo, papayag ka ba kung ang gusto niyang maging ninong sa kasal ay si F. Sionil JOse?

23 novembre, 2006

trabaho naman

salamat kay stool at sa pangungulit ni sir dumlao na magbigay ako ng tula, lumalapot na muli ang tsokolate.

nakapagpracticum na ako sa 3 kumpana, lumabas na din ang balita ko sa tabloid (People's Journal Nov17 issue), dumaan na si Milenyo, twice ng lumindol sa Pinas at ni minsan hindi ko manlang naramadaman,at ngayon nagpapasa na ako ng resume para maging guro ng mga bata.

at ang huli...

malapit na din akong lumakad ng nakaputi sa altar!

yun na lang muna!

27 février, 2006

si kuya ogie



dapat ginagawa ko ang play ko ngayon, pero dahil pede pa lang direchong kumuha ng picture sa blog, ito na lang muna ang gagawin ko.6 months dito si kuya ogie sa min. tinuruan niya akong mag enneagram.(spelling?)masaya. nalaman ko na nasa wings 9 and 4 ang personality ko. weird na nakikita mo ang sarili mo sa libro.
mahilig siya sa tea. namantsahan na ang tasa namin kakatsaa niya pero inom pa rin siya nang inom.

Sa sobrang pagkaaliw ko sa kanya, nireto ko siya sa kaibigan ko. para may date sila pareho sa valentine's day. nakakainis lang kase umatras yung isa.(excited pa naman si kuya! hindi makausap ng maayos tapos lagi akong tinetext kung ano daw ang isusuot niya!) Nakakamiss kase umalis na siya. para na naman tuloy umalis ang kuya jing ko sa amin. ( artee artee!!)

kuha ang picture na to sa school ko ng highschool. saya kase nakita namin si ex tapos akala niya siguro kami ni kuya ogie kaya tingin siya nang tingin! haha saya talaga ng araw na to tapos kami namna dikit kami nang dikit tapos kunyari nagtatawanan pa kami para lalo siyang magselos! haha sabi ni kuya sa kin di pa daw ako nakakarecover sa break up namin. kaasar kase nung hapong 'yon, feeling ko totoo nga.

haha




ano bang feeling feeling ng starlet?

08 janvier, 2006

Janu-aray 2006

isang kalokohan ang paglalagay ng mga saloobin sa blog. Hindi ko alam kung bakit ko pa ito ginagawa.Naiinis lang ako kapag may nababasa ako tungkol sa mga buhay-buhay na hindi ko naman kakilala o kapag inaabangan kong may isulat tungkol sa akin pero wala naman pala. bagong taon na, ganito pa rin ang ugali ko! Ganyan mo pa rin ako tratuhin. Minsan iniisip kong mamaalam na. nasasawa na rin kase ako. Marami akong gustong sabihin pero parang sila na rin ang kusang tumatakbo sa dila ko kapag kaharap na kita. Ayaw ko na sayo. Iyon na lang muna. Hindi mo rin naman ito babasahin. Masyado kang maraming gingawa. Sana maisip mo rin na hindi lahat ng tao ay napapaikot ng mga salita mo. Hindi ko naramramdamn ang pagiging "iba" ko. Maligayang bagong taon. Hindi pa ako naghahapunan. Nakakainis na mga bisita! sayang ang init ng niluto kong adobo. nilagyan ko pa naman ng pinalutong na patatas sa ibabaw para magmukhang "class". Ngayon makunat na yun panigurado.
Sabi sa pelikulang " Crazy in Alabama", may dalawang paraan daw ng pagpatay. Una, mabilis, gamit lahat ng patalim o baril, basta kahit anong pampatay! panagalawa yung dahan-dahan.S aoras na nababaliwala ang mga simpleng regalong ibinibigay, may isang parte sa iyo ang namamatay. sige na O.A. na naman.

Mas gusto kong malayo ka. Mas masarap mag-isip.mas masarap kasama ang imahe mo. ganoon din naman, wala ding pinagkaiba ang lagay natin ngayon. Malayo ka rin naman.

18 novembre, 2005

balik-balik

akala ko hindi na magbabago ang mukha ko sa salamin. akala ko pareho ang ngiti ko mula pagkabata. mali pa. binalikan ko ang mga larawan namin ng mga kapwa ko LAYB sa yahoo groups at kitang-kita sa mga larawang iyon kung ano ang pagbabago. sa folder na kuha sa cafe maq makikita ang mukha ko na puro pimples at ang ang kontrobersyal na kulay-lupang jumper na hindi pa rin ako makapaniwalang isang sem kong isinuot! Kasama ng mukha kong yun ang mga nakalabas-ngiping sina Sir u, caty (na naging gady), bam-bam ( na di ko na talaga nalaman ang buong pangalan), sina red at paul fonte. balbas-sarado pa si Sir Dumlao, kagaya pa rin ng sa ngayon, pero abo na ang dating naghuhumiyaw na itim na talahib sa kanyang baba. Marami ng umalis sa kandungan ng LAYB,marami pang aalis at alam kong marami din ang papalit.
kagaya rin ng dating itim na balbas ni sir dumlao, pare-pareho rin kaming magiging uban sa Samahang LAYB. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga araw ko sa uplb, pero sana hindi masayang ang espasyong iiwan ko kanyang sa mukha

03 novembre, 2005

kasama ako sa mga pictures ni gadibugu sa frienster niya at di ako makapaniwalang nagsuot ako ng mga hikaw na gawa sa itlog! paano ko naatim na magsuot nun at magpapicture pa!Ano bang nasa isip ko ng mga panahong iyon?!

Bakit ganoon...

kapag may taong masaya ,gusto mo masaya ka din o kaya naman gusto mo na maging malungkot sila dahil parang kulang ang saya mo sa katawan? Lalo na kapag kaaway mo yun dati o may ginawa siyang hindi maganda sa'yo gusto mong maging miserable siya.

wala na naman akong load kaya kung anu-ano na namna ang pinagsususulat ko.

maraming nakakagigil na bata sa simbahan, yung mga tipong gusto mong ubusin lahat ng daliri sa paa at kuyumusin ang mga mamingkmingk na labi.inaaway ko sila. binibelatan ko hanggang mahuli ako ng mga nanay. ewan ko pero gusto ko talaga silang paiyakin. pag nakakapagpaiyak ako ng bata, masaya ako.

marami na akong nakilalang nagpapakasal: yung pinsan ko sa Baguio, yung ate ng kaibigan ko,yung family friend namin. bakit ba nagpapakasal?hindi pa ba sapat na sa isip mo na alng ikaw ikasal dahil pwede na rin namnag imaginin mo na lang yung buong buhay mag-asawa. mas madali pa nga ito kase hindi ka na masasaktan pag "nakaliwa si mister"?

marami ring palang may pangalang pinky ano? naalala ko nung nasa pre-elem pa ako, pinagkakalat ko na pinky ang totoong pangalan ko at genevieve ang palayaw. may mga naniwala rin naman dahil pag di sila naniwala, di ko sila hinahatian ng tooth paste. bakit nga pala hindi teeth paste?

ayoko na. kailangan ko ng load.

03 octobre, 2005

Psst...

09274088856
bagong number ko!