tsokolateng malapot

gusto ko ng tsokolate. gusto ko ang kanyang lapot. gusto ko ang pinaghalong tamis at pait. nais kong maligo sa ilog ng tsokolate. magsulat gamit ang tintang tsokolate. pitasin ang mga bulaklak na tsokolate. nakababaliw ang tsokolate. nakakapagpagaan ng pakiramdam. nakapagpapasaya. gusto kong mapalibutan ng tsokolate. magsuot ng tsokolate. kumain ng tsokolate. maging tsokolate. paano kaya kung pati libag ko'y tsokolate na rin?

17 juin, 2005

mama helen

09267007847
bagong number ko. nanakawan kase ako nung march pa. at dahil lahat ng numbers ng Sebastian ay nandun sa phone ko, wala na akong balita sa kahit sino man sa inyo. (pero siyempre hindi nakatakas na si Gian Piquero at ang nagiisang mahal nating si Mars ang bagong item ngayon. haha) miss na kita, Mama! Balitaan mo ako sa mga drama ng batch natin. at pwede ba, tigilan na ang pagiisip na maging hermaphrodite!

19 na ako!

Maraming salamat kay Irvin sa pagpapakulay pink ng blog ko! salamat dahil may mga barbie pa at may mga "pinky"na sumisingit after every entry. nakakatuwa talaga. at siyempre hindi pwedeng hindi mapansin ang mukha ko na kulang na lang e sakupin ang buong page! para ngang gusto ko na ring mag-print ng marami niyan at i-post sa NCAS kasama ng mga naglilipanang "Congratulations Prof. Mojica!"
19 na ko. bukas-bukas lang maghahanap na rin ng trabaho. iba ang pakiramdam ng tumatanda. lalo mong nakikita kung gaano ka ka-walang alam. kagaya ko, ngayon ko lang nalaman na nasa ibaba pala ng gilid ng post office ang university bookstore. matagal ko ng hinhanap yun. akala ko wala ng bookstore dito!
excited na akong pumasok, lalo na sa Jap10 at Mgt 101. sana lang hindi ko sila iyakan sa gitna ng semestre. bago lahat sa 'kin. masaya akong makalanghap ng bagong teacher, bagong notebook, bagong nobyo, (huuy! ano ba yun nilalanghap o!), bagong paligid. masarap at mabango silang lahat. sing sarap ng katas ng kahel at bango ng lungad ng di pa naliligong sanggol.
napanood ko yung commercial ng Emirates airlines. may dalawang lalaking tumakas sa opisina para maligo sa ulan. tapos sabay lalabas yung tanong na: "When was the last time you did something for the first time?" gustung-gusto ko yung commercial na yun. kelan nga ba ako huling gumawa ng ganoon? nilagyan ko ng tinapay yung gatas ng kuting namin. pwede na ba yun? (dapat kase malulunod muna siya bago siya makakain! hehehe) maganda talaga ang pakiramdam ko ngayon kahit masakit ang mga braso at hita.
Next week mag-uumpisa na ulit umulan ng papel at exams. kinakabahan ako. yung kabang nakakailiti. parang nangingiming hita matapos mamanhid.

06 juin, 2005

Bebang in the Big City

Nandito ako sa Ermita ngayon,alala ko libro ni FSJ, sinamahan ko si ate sa IPAMS. Ten years ang internet dito, nalilimutan ko na nga kung anong gusto kong isulat e. Maghapon akong nag-sims kahapon. masarap. kaya kahit natutuyo na contacts ko at nagwawala na si Inday , tuloy pa rin sa paglalaro. parang magulan ko at tita, plus yung nagpipintura sa bahay namin, sa pagmamajhong nila, ayaw magpaawat! wala na akong magagawa, addict na ako. napansin ko ngang hindi ako nagutom. sabi ko kay ate, kung gusto niyang pumayat, mag-sims siya! umayaw. boring daw kase.

Nakakatuwa talaga dito sa Manila,(para talagang probinsyana) puro bus! haha kahit san ako tumingin , may bus. Sa LB, sa olivarez lang meron o kaya sa loob ng campus pag may field trip dito kulang na lang pati dito sa internet shop magkaron e. O.A!

Parating pala si Neil Gaiman.Gusto kong pumunta. gusto lang siyang titigan. hindi ako magpapa-autograph, o makikipag-kamay, o ngingiti sa harap niya. basta gusto ko lang siyang titigan. gusto kong makakita ng manunulat ng di ko kakilala. gusto kong makita o mahulaan, kung paano at bakit siya nagsusulat sa hinaharap. nagustuhan ko rin yung version niya ng "Snow White" pero hindi siya tumatak sa' kin.pakiramdam ko kaya lang siya matatandaan kase siya yung naunang magsulat ng ganoon at pag meron na ulit bago... (ayoko na ngang ituloy, baka awayin ako ng mga may gusto sa kanya, lalo na yung teacher namin na Eng101 nun) pero gusto ko talaga siyang makita. june 9? tatakas ako!

pauwi na kami. naghihintay si Inday. First day niya kase sa school. 2nd year na ang kapatid ko, bad trip! tapos next year prom na niya, may mga magsasayaw na sa kapatid ko, tapos... may first kiss na siya! Ayoko! ayaw ko na nga siyang lumaki e. gusto ko bata na lang siya lagi. kagabi tinanong ko siya kung anong tirintas ang gagawin ko sa kanya. sabi niya, ayaw daw niyang magpaipit, maglulugay na lang daw siya ng buhok. para akong sinabihan ng hindi na naka-install ang Sims sa LB at di na ko pwedeng mag-shower!

nagugutom na ako , gusto ko ng lauriat na batok.