kamusta? sana nagpapahinga ka na ngayon o kaya kumakain kasama ng mga kapatid mo. Tama na muna ang pagpapagod. naligo ka na rin sana at nagpalit ng damit. mag-iisang linggo na yang suot mong shirt, maawa ka sa maglalaba niyan.
umalis na kuya ko ngayon pero hindi ko pa rin makuha kung ano ang pumipigil sa'king umiyak. nandoon na ko kanina e, habang naglalagay ng contacts at tumatakas sa paghugas ng pinggan, kaya lang pinigil ko. akala ko makakasabay na ako sa mga kulubot na mukha at namamagang mga mata ila inday. ayaw talaga e! naisip ko nga na dapat ganoon din ako. na dapat hindi ko malimutang magdala ng tissue at shades sa sasakyan, na dapat mamula rin ang ilong ko. pero nang magumpisa ng magising ang mga luha ko, nagumpisa na rin akong magbiro. naisip ko na ayoko palang umiyakb at ayokong malungkot.
sabi mo sulatan ko si kuya. sabihin ko kung anong nararamdaman ko. pero hindi ko alam kung saan ako maguumpisa. kapag nabubuo ko na yung intro ko, papasok sa isip ko kung anong lulutuin ko mamayang hapunan o kaya naman kung anong magiging itsura ng bahay namin sa pasko. (may kisame na nga pala ulit kami, nalimutan kong sabihin) kung anu-anong dumarating, tapos mamaya, naiisip ko ng mag-shower sa Lb o kaya maligo sa ulan at malilimutan ko na na dapat naguumpisa na kong malungkot!
kaya ngayon, wag mo muna akong pilitin. patawad. Ngayon ayoko munang tumula o magkwento kahit na madalas na magigising na lang ako na may nabubuong storya sa isip ko. (kaya siguro ako nilagnat) parati akong galit at ayokong gumawa ng kwento tungkol sa galit. pag natatapos ko kase gusto kong burahin lahat at itapon. na-guiguilty ako. kahit sa journal ko, ineedit ko rin. hindi ko magawang maging bukas kahit sa sarili ko.
sabi ni ranas kaya hindi kami naging maayos dahil magulo ako. paiba-iba ng isip. totoo naman yun.magulo nga ako.buhok ko nga hindi ko masuklay ng tatlong araw e. ngayon ang gusto ko lang ay magbiyahe nang magbiyahe, magkulong sa banyo habang nakikinig ng mga tapes ng nihonggo at gusto kong sumama sa kuya ko. malamang masyadong mababaw itong sinulat ko pero wala akong pakialam. ngayon naguumpisa na namang tumulo ng luha ko, pero hindi ako iiyak! hindi pwede ngayon sa computer shop! hindi sa harap ng maraming tao.