tsokolateng malapot

gusto ko ng tsokolate. gusto ko ang kanyang lapot. gusto ko ang pinaghalong tamis at pait. nais kong maligo sa ilog ng tsokolate. magsulat gamit ang tintang tsokolate. pitasin ang mga bulaklak na tsokolate. nakababaliw ang tsokolate. nakakapagpagaan ng pakiramdam. nakapagpapasaya. gusto kong mapalibutan ng tsokolate. magsuot ng tsokolate. kumain ng tsokolate. maging tsokolate. paano kaya kung pati libag ko'y tsokolate na rin?

30 avril, 2005

Balikbayan box

Di ko na kilala ang amoy ng kuya ko. amoy balik-bayan box. napangiti ako kanina nang yakapin niya ko at daganan. nakabalik na nga si kuya. hindi ako nananaginip. Bumalik ako sa san pedro ng thurs. dali-dali. malilimutan ko pa ngang magbayad ng tricycle kung di ako kinalabit ng driver. para akong batang sabik na sabik sa ice cream. uuwi na si kuya. pagkatapos ng tatlong taon. lahat kami masaya. nagmamadali. nakasabit na ang banner na gawa ni inday. gawa sa pulang sinulid na itinahi sa papel. alas ocho noon.

alas diyes.
nakalapag na ang eroplano ni kuya. handa na ang ngiti ko. pati ang yakap at halik. sinimot ko na ang kalat-kalat ng cheese powder sa pisngi ko. dapat malinis at mabango. darating kase si kuya.
hindi kami pinasama ni daddy sa pagsalubong. dun na lang daw kami ni inday sa loob ng van. sila mami na lang daw at ate. pero wala pang bente minutos nakita ko na ang mga maleta,tinutulak ni daddy. at ang higanteng mamang yakap ni mami. Si kuya!
Halo-halo ang naramdaman ko. saya dahil nakauwi na siya, lungkot dahil uuwi rin siya, at takot dahil baka mapaihi ako sa saluawal. kanina ko pa kase pinipigil sa daan e.
wala akong pakialam. basta nandito na si kuya. at ngayon, katabi namin siyang matulog. naamoy ko ang balikbayan box sa kanya. naalala ko nung maliliit pa kami, gustung-gusto naming nagkukulong sa kahon dahil sinisinghot namin yung amoy. isa sa pinakamabango. amoy ibang bansa.
ngayon, kapag makakaamoy ako ng balikbayan box, hindi na ibang bansa ang iisipin ko.
Si kuya na.

29 avril, 2005

Bakit malupit ang Abril?

Anong pampalimot ang ibinigay mo sa araw Abril? Bakit niya ako pinagtatabuyan? kahit ang mga kahel, unti-unti na silang tumatabang. tuyot na ang mga damong sumamba sa mga paa ko. Ni ang Oktubre, ang ulan sa Oktubre, ang matatamis na patak, hinigop mo at wala man lang itinira para sa akin.
Malupit ka! ginigising mo ako sa gabi,pawisan, para lang ipakitang iniisnab ako ng buwan.
hindi ko na marinig ang paghikbi, ang dagundong ng hilik na nagsilbing pampatulog ko. Inagaw mo ang ngiti ko Abril, sa paggawa ng mga ito at sa pagbura mo ng mga bakas ko sa katawan ng araw.

28 avril, 2005

sulat ni kuting

Napapagod ka na ba sa pagdipa Oble? nangangawit na ba ang kilikili mo?nagkakaroon ka na ba ng anghit? naiiyak sa init ng puwit? gusto mo bang ako naman ang pumalit sa iyo? ako namna ang didpa at maglalabas ng bayag. o kaya naman, nais mo bang sabayan kita diyan sa tuktok at tulungan kang mantaboy ng mga ibong pilit kang ginagawang pugad?

Magpalit tayo Oble. Ako ang tatayo diyan sa ibabaw ng bato. Ako naman ang magbibilad ng puwit. ako na ang tatanggap ng lahat ng paso ng araw at latigo ng ulan. Dali na! gusto ko ring matuto maging bato sa sakit.

sulat ni kuting

Napapagod ka na ba sa pagdipa Oble? nangangawit na ba ang kilikili mo?nagkakaroon ka na ba ng anghit? naiiyak sa init ng puwit? gusto mo bang ako naman ang pumalit sa iyo? ako namna ang didpa at maglalabas ng bayag. o kaya naman, nais mo bang sabayan kita diyan sa tuktok at tulungan kang mantaboy ng mga ibong pilit kang ginagawang pugad?

Magpalit tayo Oble. Ako ang tatayo diyan sa ibabaw ng bato. Ako naman ang magbibilad ng puwit. ako na ang tatanggap ng lahat ng paso ng araw at latigo ng ulan. Dali na! gusto ko ring matuto maging bato sa sakit.

26 avril, 2005

papel at dahon

Ikaw na mambabasa sa papel man o dahon, unti-unti mong inuubos ang aking tinta.
sa bawat salitang binabasa mo, bumibitaw ang kapiraso ng aking utak.
rinig ko ang pagkapunit ng hymen sa tuwing pinarorolyo mo ang mga titik sa iyong dila.

Pakiramdam ko, wala kang pakialam kung matuyo ang utak o maglaho ang pagiging birhen ko. ang mahalaga, mapunan mo ang iyong libog sa kaalaman.

Ano pa nga bang magagawa ko? Hawak mo na ako sa magkabilang dulo ng katawan.

Hiling ko lang sa'yo mahal na mambabasa, huwag kang luluha sakaling hindi mo na makita ang sulat-kamay ko. Dahil sa oras na iyon, ako naman ang nagbabasa.

Kamustahan

Kay Esmeralda,

Bakit humihinga ka pa rin? Akala ko ba'y ayaw mo ng mabuhay. wala ka palang isang salita. ilang ulit ka nang sumubok ngunit ni isa wala ka pang tinutuloy. inumpisahan mo sa kutsilyo nang minsang masabihan kang tarantado. Sumunod naman, Baygon nang maisip mong masyado ng maingay ang paligid. tapos ngayon, clororox naman ang drama mo? bakit hindi mo pa ituloy? inaaksaya mo ang oras ko. Tatawag-tawagin mo pa ako. nakakarindi ka! Lakas mo pang umiyak.

Bakit hindi ka na lang tumulad sa akin? kumuha ka ng sinturon o ng kahit anong lubid. isabit mo sa kisame at doon ka lumambitin. higpitan mo ang tali sa leeg.Mabilis lang yan. at kahit sa sandaling panahon, mahahawakan mo ang langit. kahit kaunti.

Sa susunod, tawagin mo ulit ako a. Masyadong mainit dito. Kailangan ko ng istorbo.

Mrs. Ph[i]nk0

25 avril, 2005

pahingi ng zonrox

ayoko munang magsulat. saka na pag nahagkan ko na muli ang araw!

01 avril, 2005

sa nagbubulitas atbp...

salamat sa paglalaan ng bente pesos para mabasa ang blog ko.feeling ko naman i'm like sooo special.=) salamat sa pagsama sa miramonte at sa mga kwento mo tungkol sa mga buhay ng kaibigan mo. marami akong natutunan.(usapang sensual ito.)
salamatdahil sa kaunting oras na tinagal ko sa campus pinasaya mo ako.salamt sa pagtrip dahil unlimited na ang globe. napatunayan ko na i have my limitations hehe
wala lang. natutuwa lang akong may nagbabasa ng mga nasa isip ko. kaya lang sana magcomment naman kayo. alm niyo namang addict ako sa comment e!hihi

itago niyo ang cellphone niyo kay kring! delikado iyan, hihiramin niya ang phone niyo at pag-uwi mo sa bahay, meron nalang mamang biglang tatawag sa inyo. nakakatakot. sasabihin: "hello pwede ba kay kring?" ano 'to landline?!bwset! hehe

gusto ko lang mangulit.

umuwi ka na lotus!hinihintay ka ng mernel's

bagong eskwela

Magaling na guro si itay, marami akong natutunang mga salita.

Lunes: Puta, Tarantado, punyeta
(Palawak nang palawak ang bokabularyo ko.)

Martes: Lintek, ugaling-aso, walang-hiya
(Kailan pa kaya ako naging aso?)

Miyerkoles: Tanga,inutil,bobo
(Wala na bang bago?)

Huwebes: Ingrata, Leche, balasubas
(namamanhid na ako)

Biyernes: Layas, Hayop, Hudas
(isang linggo pa't magigi na rin akong guro)